Huwebes, Enero 12, 2017

Anekdota

  Manuel L. Quezon





      Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is here."
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno."
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento